Stainless Longganisa by Bob Ong

stainlessMaulan ang nagdaang gabi. At dahil sa ingay ng patak ng ulan mula sa aking bintana, hindi ko nakuhang makatulog kahit anong pilit ko sa aking sarili. Gising ang diwa habang nakapikit ang mata. Nagbabakasakaling antukin, habang naghihintay sa pagtila ng ulan. Ngunit hindi nakisama ang panahon, at dahil walang magagawa pinili ko na lamang na pagurin ang mga mata sa pagbabasa, nagbabakasakaling maging daan sa pagkatulog. At sa paghahanap ng mababasa, napadpad ako sa mumunting libro, ang “Stainless Longganisa” ni Bob Ong. Isang libro na binili ng aking kapatid para sa kanyang proyekto sa Filipino. Sa tinagal-tagal ng librong ito na pakalat-kalat sa aming sala, ngayon ko lamang nabigyan ng panahon na usisain ang nilalaman nito. Hindi kakapalan ang libro, at dahil sa madaling unawain ang nilalaman, madali ko ring natapos ang pagbabasa. Panlima sa mga librong naisulat ni Bob Ong ang Stainless Longganisa, ngunit kauna-unahang na aking nabasa. Payak ngunit may nilalaman ang aklat. Mga simpleng salita na nagbibigay buhay sa istorya ng may akda, kung paano nito naratingang ang larangan ng pagsusulat. Magandang simula ang aklat para sa mga nagnanais magsulat.
May sariling istilo si Bob Ong sa pagsusulat, na siyang humahatak sa kanyang mambabasa. Isang payak na istilo na naging makapangyarihan dahil sa pagamit ng natural na salita. Ito ang naging paraan niya para maipabatid sa mga mambabasa ang mga mensaheng nais niyang ipagsigawan sa kanyang mga aklat. Madaling unawain ang kanyang mga salita, ngunit hindi ko lubos na nagustuhan ang pagpapalit-palit ng kwento sa librong ito. Hindi man magkasing katulad sa lahat ng aspeto ngunit may pagkakahawig ang istilo nila ni Robert Fulghum, isang manunulat mula sa Amerika. Hindi ko alam kung sinasadya dahil sa idolo niya ito o di lang talaga maiiwasan. Sa kabuuan marami rin akong napulot sa aklat. Mga simpleng pananaw na inilatag sa aklat gamit ang natural na pangungusap kalakip ang lalim ng karanasan ng manunulat sa likod ng mga salitang ipinahahayag.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.