Tatlong Saknong

OBLIGASYON

Bawat nilalang ay may obligasyon
Sa kapwa, sa diyos, o lipunan
Lahat ay may bahaging dapat punan
Na siyang kukumpleto sa katauhan

Ika’y nilalang na may kadahilanan
Di palamuti sa mundong ibabaw
May tungkulin na dapat gampanan
Di dapat na ito’y kalimutan

Bakit di tuklasin ang iyong halaga
At bahaging dapat isakatuparan
Upang unti-unti mong maunawaan
At makita ang kahulugan ng buhay

HAMON

Huwag sayangin ang panahon
Sa paninisi at pagmamaktol
Huwag hayaang lamunin
Ng pagsubok na humahamon

Gumuho man ang iyong mundo
Hindi ito sapat para malumpo
Matuto kang tumayo
At laban ay ipanalo

Bumangon ka at harapin
Ang laban na nakabitin
Ipakita sa amin
Katatatagang angkin

Advertisements

10 thoughts on “Tatlong Saknong

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: