BLACKPLUME

lover of written words

Pahayag at Balita

on August 13, 2009

Araw-araw may bagong balita
Mapa-showbiz man o pulitika
May mga kanya-kanyang istorya
Na pinagkakaguluhan ng madla

Samut-saring kwento at komento
Iba’t ibang bersyon at anggulo
Presidente man o simpleng tao
Pinaguusapan at kinokomentaryo

Madalas sa balita kasiraan ng isa
Na pinalalaki ng matatabil na dila
Kaunting pagkakamali ‘di balewala
Sa mga taong nagsasaya sa kasiraan ng iba

Tama man o mali ang bawat pahayag
Totoo man o hindi ang panig na lahad
Isa ang sa akin ay maliwanag
Pangkalahatang kasiraan ang nakalantad

Ang bawat panunuri at pagpuna
Kasabay ng paninira sa kapwa
Ay siyang sa atin nagpapakilala
Sa labas ng ating bansang malaya

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: