POETRY

Eksena

Pasado alas onse ng hating gabi
Dilat ang mga mata  pati ang diwa
Hindi makatulog kahit anong pilit
Ingay sa paligid ay gumagambala

Sa simula ay kwentuhan lamang
Ng mga taong nagkakasiyahan
Di naglaon sila ay pumalaot
Sa inuman at malalamim na usapan

Dumaan ang mga oras at bolahan
Usapin ay nauwi sa di pagkakaunawaan
Sigawan at masasakit na salita
Ang sumunod na naging palitan

Di nagtagal naging pisikalan
Suntok at sapak, tadyak at bato
Humahambalusay ang katawan
Sa lupa na puro patak ng dugo

Mga saksi sa paligid walang magawa
Kundi panoorin ang eksena
Walang may lakas ng loob na umawat
Takot na madamay ang lahat

At ng matapos ang masakit na kaganapan
Isang madugong labanan ang nasaksihan
Mga bida sa naturang eksena
Parehong umuwing talunan

Advertisements

One thought on “Eksena

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s