Super Lasenggo

Sa araw simpleng nilalalang
Walang kasing bait ang drama
Lahat ng tulong ini-aabot
Daig pa ang kandidato sa pulitika

Hindi makabagsag pinggan
Yan ang maskarang hinaharap
Para siyang anghel na maamo
Sa harap ng publikong naloloko

Pero ingat ka sa nilalang na ito
Sapagkat kabaitan ay balat-kayo
Pagsapit ng gabi ‘kala mo kung sino
Biglang lalakas na tila superhero

Ngunit ang lakas at kapangyarihan
Perwisyo ang dulot sa mga walang malay
Nadadamay sa kanyang kayabangan
Di paaawat sa kahit sinong nilalalang

Lakas palang kanyang tangan-tangan
Na walang sing tibay at di pangkaraniwan
Sa bisyo nagmumula at di sa kabutihan
O sa anumang kahiwagaan ng buhay

Tila sinasapian ng masamang espiritu
Espirutung nagmumula sa alak na kay sama
Nawawala ang bait pati na ang wisyo
Mga walang malay ang nasasapo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: