Untitled

Hindi na maalala kung paano nagsimula
Bakit sa ganitong sitwasyon tayo napunta?
Isang araw namulat na lang at nagtataka
Tinatanong ang sarili habang nakatulala

Ilang beses na pinilit na umunawa
Nangangatwiran at pinagtatanggol ka pa
Pero paulit-ulit na lang tayo sa wala
Di ka naman natututo sa iyong mga sala

Nakakasawa at nakakapagod na
Hindi naman ako santa o masokista
Masakit man na ikaw ay mabaliwa
Umaasa parin na ikaw ay di mapariwara

Balang araw ay magsisilbing tanda
Lahat ng iyong mga pagkakadapa
Sana’y di magtagal at iyong magkita
Mga tunay na sa iyo’y nangangalaga

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: