POETRY

Isusulat Kita

Isusulat kita
Gamit ang mga letrang bubuo sa matatamis na salita
Lilinangin ko ang kabuuan ng mga talata
Na magbibigay buhay sa mensahe ng aking gunita

Isusulat kita
Hanggang may papel na kakanlong sa bawat letra
Paglalakbayin ko ang bawat titik at bantas
Hanggang maubos ang espasyo ng bawat pahina

Isusulat kita
Habang rumaragasa ang pluma ng aking panulat
Padadaluyin ko ang bawat patak nito
Tungo sa dagat ng mga saknong at talinghaga

Isusulat kita
Kasabay ng tinig at damdamin ng mga ritmo
Kaakibat ang mga himig ng bawat salita
Na tutugma sa tunog na aking kaluluwa

Isusulat kita
Maubos man ang pahina at papel na sulatan
Matuyo man ang pluma at tinta na panulat
Mawala man ang bilang at tugma ng salita

Isusulat kita
Sa malawak na gunita ng aking alaala
Kahit dugo ko pa ang maging kapalit
Ng bawat patak ng aking pluma.

Advertisements

One thought on “Isusulat Kita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s