POETRY

Bida

May mga munting tinig na naririnig
Pilit na sumisiksik sa mundong nakapinid
Madadalang na hikbi sa simula
Nagmamaka-awa sa atensyon ng madla

Di naglaon ang munting tinig ay nag-iba
Nakikipag-laban sa ingay ng musika
Pilit na pumaimbabaw ang lakas
Nagpupumilit na mapansin ng lahat

Nang lumaon ang tinig ay nagtagumpay
Atensyon ng lahat ay unti-unting nabaling
Sa drama niyang puno ng lalim
Walang katapusan ang mga hinaing

Sa kanyang kwento siya ang bida
Panay ang drama sa harap ng madla
Ngunit sa pagtagal ng madramang dula
Lumutang ang lamat ng istorya

Api-apihang bida ay isa palang huwad
Humuhubog ng istorya para sa simpatya
Nagpapakaapi para maging bida
Ngunit isa palang mapagkunwaring kontrabida

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s