Feeds:
Posts
Comments

Books and Reading Meme

1. What are you currently reading?
Life’s Little Instruction Book.
2. What are you reading next?
Have A Little Faith by Mitch Albom.
3. Fiction, Non-fiction?
I love to read both fiction and non-fiction books.
4. Hard copy or audio books?
I prefer hard copy than audio books.
5. Keep, throw away, or sell?
Keep as much as I can, but sometimes my friends borrowed them and never return it so I’ll end up giving it to them.
6. Buy or borrow?
Buy. I don’t have lots of friends where I can borrow books. I don’t also visit library now a days.
7. Short story or novel?
Either. Though most of what I’m reading lately are novels. But I love short stories too specially in self-help books.
8. Series books or stand alone books?
No preference. I like both!
9. New or used?
New of course unless there’s no way I can have a new copy. And if it is already used at least it looks like new.
10. Do you snack while you read?
Sometimes. I am just more cautious not to ruin my book.
11. Do you tend to mark your books as you read, or does the idea of writing in books horrify you?
I used to write on my textbooks when I’m still studying. But for my books now, It will horrify me for sure.
12. Do you ever smell books?
Of course! As if I can refrain smelling it when I’m browsing the pages. The smell of new books is nice.
13. Do you have a favorite time of day and/or place to read?
Any peace & quite place is the best. But since I don’t usually got that place, anywhere & anytime as long as I like to read.
14. How do you keep your place while reading a book? Bookmark? Dog-ears? Laying the book flat open?
Bookmark or any object in hand I can used as bookmarks like cards or receipts. I lay the book flat open only if I’ll get back to it in few minutes.
15. How do you organize your books?
In height, genre and authors.
16. Are you a person who tends to read to the end of chapters, or are you able to put a book down at any point?
I can pick it up and put it down at any point.
17. Are you the type of person that only reads one book at a time or can you read more than one at a time?
I usually read more than one in different genre. Like one fiction, self-help and some technical books. Depends on what I feel reading at the moment.
18. If you come across an unfamiliar word, do you stop to look it up right away?
No. Just read in context.
19. Is there a specific book or author that you find yourself recommending over and over?
None. I don’t usually recommend books unless I know more about the person or If they specifically asked me.
20. Last book you finished reading?
The One Minute Manager by Kenneth Blanchard & Spencer Johnson.
21. Last book you bought?
The Lucky One By Nicholas Sparks which I bought few days ago for someone as a gift.

Untitled

Hindi na maalala kung paano nagsimula
Bakit sa ganitong sitwasyon tayo napunta?
Isang araw namulat na lang at nagtataka
Tinatanong ang sarili habang nakatulala

Ilang beses na pinilit na umunawa
Nangangatwiran at pinagtatanggol ka pa
Pero paulit-ulit na lang tayo sa wala
Di ka naman natututo sa iyong mga sala

Nakakasawa at nakakapagod na
Hindi naman ako santa o masokista
Masakit man na ikaw ay mabaliwa
Umaasa parin na ikaw ay di mapariwara

Balang araw ay magsisilbing tanda
Lahat ng iyong mga pagkakadapa
Sana’y di magtagal at iyong magkita
Mga tunay na sa iyo’y nangangalaga

Huwad Na Sukatan

Mulat ang diwa sa mundo ng buhay
Mundong itinakda ng kapaligirang maalam
May sariling sukatan at husgahan
Sa bawat bagay at may buhay

Lipunang sumusukat sa karangyaan
Salapi at kasikatan ang siyang batayan
Lipunang kinikilala ang yaman
Hindi ang husay at ang kalooban

Batayan na siyang nagtatakda
Sa mga nilalang na maging huwad
Huwad sa katotohanan at husay
Nagpupumilit na makibagay

Nabubuhay sa mundo ng pagkukunwari
Mundong itinakda ng lipunang mapanuri
Na walang hangad kundi ang humusga
Sa nilalang na nagmumukhang dusta

You Told Me

You told me to shout freely
And hear my voices loud
To understand myself better
And clear my voices out

You told me to climb mountains
And see the world on top
To appreciate the beauty
And be thankful for what I got

You told me to run the miles
And let me catch my breath
To experience the speed
And understand my needs

You told me to be humble
And keep my feet on the grounds
Be among the needy
And see things the way they did

You told me I had wings
And showed me how to fly
You let me try the breeze
And spread my wings wide

You told me I can dream
And make my dreams real
As long as I believe
Everything is real

You told me to live my life
The way I want it to be
And enjoy what I have
And use it for what I want

The Dreamer

She dreams of a star
A brightest star
That will guide her
Through the path of life

She dreams of the moon
A watchful beam of moon
With a smile that hugs her
Through the darkness night

She dreams of the sunlight
A sunlight who radiates like a glitter
With a tiny sparkle in the air
Through a bright day of life

She dreams of the rain
A rain that sings at the rooftop
In her lovely sleep
Through the presence of thee

She dreams of the flower
A flower who dance as the wind blows
Like little wings of dreams
Through harks & songs of breeze

She dreams of the ocean
An ocean of reality
Which flows gently
Through a life of forever

She dreams of LIFE…

Super Lasenggo

Sa araw simpleng nilalalang
Walang kasing bait ang drama
Lahat ng tulong ini-aabot
Daig pa ang kandidato sa pulitika

Hindi makabagsag pinggan
Yan ang maskarang hinaharap
Para siyang anghel na maamo
Sa harap ng publikong naloloko

Pero ingat ka sa nilalang na ito
Sapagkat kabaitan ay balat-kayo
Pagsapit ng gabi ‘kala mo kung sino
Biglang lalakas na tila superhero

Ngunit ang lakas at kapangyarihan
Perwisyo ang dulot sa mga walang malay
Nadadamay sa kanyang kayabangan
Di paaawat sa kahit sinong nilalalang

Lakas palang kanyang tangan-tangan
Na walang sing tibay at di pangkaraniwan
Sa bisyo nagmumula at di sa kabutihan
O sa anumang kahiwagaan ng buhay

Tila sinasapian ng masamang espiritu
Espirutung nagmumula sa alak na kay sama
Nawawala ang bait pati na ang wisyo
Mga walang malay ang nasasapo

Eksena

Pasado alas onse ng hating gabi
Dilat ang mga mata  pati ang diwa
Hindi makatulog kahit anong pilit
Ingay sa paligid ay gumagambala

Sa simula ay kwentuhan lamang
Ng mga taong nagkakasiyahan
Di naglaon sila ay pumalaot
Sa inuman at malalamim na usapan

Dumaan ang mga oras at bolahan
Usapin ay nauwi sa di pagkakaunawaan
Sigawan at masasakit na salita
Ang sumunod na naging palitan

Di nagtagal naging pisikalan
Suntok at sapak, tadyak at bato
Humahambalusay ang katawan
Sa lupa na puro patak ng dugo

Mga saksi sa paligid walang magawa
Kundi panoorin ang eksena
Walang may lakas ng loob na umawat
Takot na madamay ang lahat

At ng matapos ang masakit na kaganapan
Isang madugong labanan ang nasaksihan
Mga bida sa naturang eksena
Parehong umuwing talunan

Pahayag at Balita

Araw-araw may bagong balita
Mapa-showbiz man o pulitika
May mga kanya-kanyang istorya
Na pinagkakaguluhan ng madla

Samut-saring kwento at komento
Ibat-ibang bersyon at angulo
Presidente man o simpleng tao
Pinaguusapan at kinokomentaryo

Madalas sa balita kasiraan ng isa
Na pinalalaki ng matatabil na dila
Konting pagkakamali di baliwala
Sa mga taong nagsasaya sa kasiraan ng iba

Tama man o mali ang bawat pahayag
Totoo man o hindi ang panig na lahad
Isa ang sa akin ay maliwanag
Pangkalahatang kasiraan ang nakalantad

Ang bawat panunuri at pagpuna
Kasabay ng paninira sa kapwa
Ay siyang sa atin nagpapakilala
Sa labas ng ating bansang malaya

Tsismis

Sa araw-araw na aking pagdaan
Sa kalsadang nilalakaran
Hindi mawawala sa larawan
Mga nilalang na nag-uumpukan

May kanya-kanyang salaysay
Iba’t-ibang istorya at buhay
Ng mga taong walang malay
Na pinag-uusapan ng kapitbahay

Bawat salita ay walang preno
Humuhusga at nang-gugulo
Makitid na isip ng mga pakialamero
Nagmamarunong akala mo kung sino

Tila walang katapusan ang kwento
Sa kanilang pakialamerong mundo
Na walang alam kundi makigulo
Sa takbo at buhay ng ibang tao

Ikaw

Ikaw ang bituin sa kalawakan
Liwanag sa gabi ng kadiliman
Ikaw ang mapa na tangan-tangan
Gabay sa bawat paglalakaybay

Ikaw ang hangin sa paligid
Kasama saan man mapadpad
Ikaw ang bulaklak sa hardin
Nagbibigay sigla sa paningin

Ikaw ang musika sa bawat ingay
Tagapaghele sa isipang pagal
Ikaw ang ngiti sa bawat luha
Nagbibigay sigla sa gunita

Ikaw ang letra sa mga salita
Na nagbibigay kahulugan
Ikaw ang sandata na aking taglay
Tagapagtanggol sa laban ng buhay

Older Posts »